Text Size
   

Newsflash

Go ahead  CALAUAG

Schedule December 30, 2008


 HOLY MASS                             St Peter Church     2:00 PM                        
 Fellowship Barangay Uno Hall                              After the Mass   
  
   PROGRAMME                                            
  
  1. Registration                                                3:30 P.M.
  2 Welcome Address
  3. Prayer
  4. Presentation of CCC 1968 Family
  5. Parlor Games
  6 Intermission Number
  5. Disco/Dance ETC                                        Till the wee hours

 

 
Home arrow News arrow Latest arrow Decade
Decade PDF Print E-mail

1978 10TH Year Reunion
 

HEY AKO IYAN DI BA

10th Year Reunion Feature 

1st Year

 

Pasukan na naman tomorrow, pero naiiba ito,  Kabadong kabado ako biro mong for the first time I will wear my First Long Pants.  Ayos na ayos lahat ng gamit para pagpasok.  Sa pagtulog pa ng may  sumigaw, SUNOG, SUNOG sa may Istasyon nasusunog.  

Hagilap agad mga gamit, sa akin lang gamit siempre.  Kinabukasan, namumula mula pa ang mga mata (puyat), damit yukos pero hindi bale makakatungtong na ako sa town's best high school. First timer tahimik, masunurin at 100% attendance, studious wala silang masabi.

2nd Year

Medyo matigas na aking loob kaya heto naglalakwatsa na.  Hind na masyadong nagaaral kayang kaya ang mga subject really? Puro laro bago magsimula ng klase at before going home.  Medyo tatakas dahil maganda ang sine.  Pagdating ng exam manunulad, kung minamalas, bagsak. May birthday he, he sayawan, kainan.

3rd Year

Naghalo ang mabait at magulo kasama ako rito sa dalawa.  May subject na mabait ako, natatakot siguro sa titser o gustong matuto.  May nagsusulatan na rito (ligawan), ako kaya, saka na lang.  Pero nakakaingit sila? Junior - Senior prom, Combo for the first time ito sa CCC,  hindi orchestra dahil tipid? Hindi, Uso pare ko

 

4th Year

Bumabait ako, halatang nag-aaral araw araw, nakikinig na sa klase at higit sa lahat masunurin na uli!  Senior na kasi halatang takot hindi makagraduate.  Marami ang mag sweetheart, ito na kaya ang oras para sa akin? Medyo secreto pa kaya ilalagay ko na lang sa notebook niya,  or ilalagay ko na lang sa summary ko sa English Literature, Songhits nga hindi halata.  Ano kaya ang aking ambisyon, Titser na lang.  Nerbiyos ang umabot sa akin ay tinawag na kung sino ang gagraduate, kahiya hiya sa parents ko kung bumagsak ako.  Sa wakas Abril 27, ang graduation day, Very happy ako, pero may kaunting lungkot, dahil maghihiwalay na kami ng mga katsokaran.  Hindi ko sila malilimutan for ever and ever

 

1988 20TH Year Reunion
 

WALANG FEATURE UMATEND LANG AKO HE HE

20th Year Reunion Feature

1998 30TH Year Reunion

WALANG KOKONTRA

30th Year Reunion Feature

1 Giant

    Giant ang tuwa ko at lumakas ang dagubdob ng dibdib ng makatangap ako ng sulat mula sa Calauag na may reunion daw kami sa darating na Dec. 28.  Teka baka Wow Mali, araw ito ng Ninos Inocentes, pero kahit na, hindi na bale, gusto kung makadaupang palad at makaistoryan uli sila.  Balam na balam na nga ako sa pag aantay ng araw minsan nadapil na nga ako sa pagiisip kung paano ko babaakin ang akin skedyul.  Kahit ahot lusong ako sa mga bundok ng niyogan at traffic, kahit matag-bik sa dagat at baha, kahit bahaw na lamang at atsara ang aking datnan ay pilit pa rin akong darating

 

2 Biruin

    Biruin mo 1 "MONTH" na singkad "parang kahapon lamang yon a" na hindi ko sila nakita.  Naalala ko pa ang mga kaiskwela kong mga buriwriw katulad ko, mga ararakat na sa halip makapasa ay lalong nahulog, awan-taba. I can't forget sa hirap ng exam sa Oriental History na kahit dasikin ko ang aking utak ay para akong namamatanda.  Ang balibing dila ko sa Spanish at balinsot sa subject na angle 1 = angle 2, whew!  Maraming salamat sa pag-aaguanta ng aming mga titser para kami ay matuto.

3  Boys

  Ang mga boys na hanggang titig lang at mga girls na na nagpapatitig.  Kulang ang araw ko kung hindi nakapagmartsa kung ikaw ay kasama sa model platoon ng 4 footer.  I remember and inarmirol na uniform na pwedeng tumayo sa tigas.  B-day/sayawan and the forever cheese pimiento sandwich at pineappe juice sa party.  Golpeng golpe ang mga experience at naamnesiya na ako sa tagal ng panahon, pero ang hindi ko malilimutan, ang mga mata na walang naaaninag na alalahanin, ang labi na may ngiti ng kasiyahan, ang kamay na aalalay at ang paang laging handang lumakad para sa kasamahan.

4 Miss

    Miss na miss ko na ang Batch '68 ano kaya bag-as na rin kaya sila, panot, ubanin at very siksik, pero balita koy may mga seksi pa rin at may mga pinagpalang single.  Pero sigurado ako na may waasa na ang kanilang mga aki, kung gayon doting Ama' at Ina' na sila, dagayday na iwi sa mga apo na mahilig magbusa. 139 ang magic number ng Batch '68 nasaan kaya ang iba nating kasamahan.  Hanapin at ibalita na naalala natin sila at paratingin ang pagmamahal ng bawat isa.  Salamat at Papuri sa DIYOS.

2008 40th Year Reunion
 

GINAGAWA PA (Do you want to contribute?)

40th Year Reunion Feature

 

 


 
< Prev   Next >
Home arrow News arrow Latest arrow Decade